-- Advertisements --
image 119

Binigyang diin ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard na patuloy ang paghahanap sa bangkang pangisda na lumubog sa baybayin ng Pangasinan noong nakaraang linggo matapos mabundol ng dayuhang oil tanker.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Coast Guard na nais nilang mabawi ang Fishing Boat Dearyn at gamitin ito bilang ebidensya sa mga kasong maaaring isampa ukol sa banggaan.

Sa ngayon aniya, ay patuloy pa rin ang Philippine Coast Guard sa paglalayag patungo sa lokasyon ng banggaan upang hanapin ang nasabing bangka.

MAtatandaan na ang pinaniniwalaang foreign oil tanker na Pacific Anna na may bandila sa Marshall Islands ang bumangga sa bangka na naging sanhi ng pagtaob ng Daryn boat.

Tatlong mangingisdang Pilipino ang nasawi sa aksidente, kabilang ang kapitan nito habang labing-isang miyembro ng crew ang nakaligtas sa insidente.

Sinabi ni Tarriela na ang pagbawi ng bangka ay maaaring suportahan ang kaso ng Pilipinas laban sa may-ari ng Pacific Anna kung mapatunayang sangkot ang barko sa banggaan.