ILOILO CITY- Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG)- District Central Visayas sa sanhi ng pagkasunog ng motorbanca na Mama Mary Chloe sa karagatan ng Barangay Tugas, Candijay, Bohol.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Junior Grade Krysta Bergantin, operations officer ng PCG- District Central Visayas, sinabi nito na base sa initial na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa exhaust fan sa engine room ng nasambing passenger vessel.
Ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa matukoy kung ano ang sanhi ng pagkasunog ng exhaust fan.
Totally damaged ang nasabing vessel.
Saklaw rin ng imbestigasyon kung sino ang may kakulangan kaya’t nangyari ang insidente.
Ayon pa kay Bergantin, accounted na ang lahat ng survivors.
Napag-alaman na 157 ang sakay na pasahero at walo ang crew.
Patay sa nasabing insidente si Adolfo Rañola, 53 anyos.
Patuloy pa na inaalam ng otoridad ang rason ng pagkamatay ni Rañola dahil wala itong sugat, hindi nasunog at hindi rin nalunod.
Ang unang ni-report naman na missing ay pumunta na sa opisina ng PCG 7 at sinabing umuwi ito pagkatapos ng insidente.