-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang maritime exercises ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa karagatang sakop ng ating bansa.

Sa kabila yan ng una nang pagtataboy sa kanila ng Chinese Coast Guard noong nakaraang buwan, habang nasa Bajo de Masinloc sa Zambales.

Pero mula sa kanlurang parte ng bansa, gagawin ang second leg nito sa Batanes Group of Islands at Benham Rise.

Nabatid na kahapon lamang nakabalik ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Pier 15, South Harbor.

Tiniyak naman ng PCG na hindi sila magpapatinag sa challenge ng kanilang counterpart sa China, lalo’t malinaw na nasa loob sila ng Philippine territory.