Nakikipagtulungan na rin ang Philippine Coast Guard sa Department of Science and Technology sa isinasagawang imbestigasyon ukol sa insidente ng malawakang oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ang pakikipagtulungan ng PCG at Department of Science and Technology ay naglalayon na pahusayin ang imbestigasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa laboratoryo sa oil biomarker fingerprinting.
Ito ay sa pamamagitan ng Industrial Technology Development Institute upang matukoy at kumpirmahin ang pinaghihinalaang pinagmumulan ng langis na umabot sa mga baybayin ng Oriental Mindoro, Antique, at Palawan.
Ang dalawang ahensya ay nagsagawa ng oil sampling sa offshore at shoreline operations upang i-verify ang mga katangian ng oil weathering.
Ayon sa PCG, ang mga nakolektang sample ay dapat gamitin upang matukoy ang mga partikular na bacteria na nasa kapaligiran at karagatan ng naturang mga lugar.
Kung matatandaan, ang Inter-Agency Committee on Oil Spill ay nakipagpulong sa DOJ upang pag-usapan ang sitwasyon sa lumubog na motor tanker na Princess Empress.