-- Advertisements --
motorcycle riders
Mandatory Credit: Photo by Ritchie B Tongo/EPA/Shutterstock (7962388a) Motorcycle Rights Organization (mro) Advocate Riders Maneuver at a Street During a Motorcade to Protest Wearing Vests with Their Plate Numbers Printed on the Back in Quezon City East of Manila the Philippines 30 July 2014 Thousands of Motorcycle Riders Oppose a Law to Require Riders to Wear Vest with Printed Plate Numbers on Their Back According to Motorcycle Rights Organization Chairman Jobert Bolanos It Will not Curb Crimes Committed by Motorcycle-riding Gunmen Rather It Violates Riders’ Rights Philippines Manila Philippines Motorcycle Riders Protest – Jul 2014

Walang plano ang Philippine Competition Commission (PCC) na magpataw na cap bilang motorcycle taxis na papayagang bumiyahe sa bansa.

Makahihikayat din daw umano ito ng marami pang players na pumasok sa lumalaking motorcycle taxi industry sa bansa bukod sa makikinabang dito ang mga komyuter.

Ang mga puntong ito ay ipinarating ng kinatawan ng PCC sa joint hearing ng Senate committee on public services at local government na tumalakay sa panukalang i-regulate at gawing legal ang motorcycles-for-hire para matiyak na sila ay ligtas, epektibo at abot-kayang uri ng pampublikong transportasyon.

Nang tanuning ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang posibleng pagpasok ng Grab Philippines sa motorcycle taxi industry, inihayag ni PCC Executive Director Kenneth Tane na: “In terms of market situation, more players would be better for consumers.”

“If we are going to apply competition principles, no cap would be better given that it would benefit the consumers,” dagdag pa niya.

Sa guidelines ng Department of Transportation-backed Technical Working Group, tatlong transportation network companies lang ang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program – ang Angkas, na may tinatayang 50% market; JoyRide at Move It. 

Ang equal allocation para sa tatlo sa ilang pilot areas ay ang mga sumusunod: 45,000 National Capital Region; 9,000 sa Cebu; at 9,000 sa Cagayan De Oro.

Ayon kay Poe, na sinusuportahan ang legalisasyon ng motorcycles-for-hire sa pamamagitan ng isang batas, hindi dapat magtakda ng limitasyon kung papayagan ang iba pang kaumpanya tulad ng ginagawa ng Grab sa Thailand at iba pang bansa para sa mas malayang kumpetisyon.

Sa statement na pinadala sa Senate, sinabi ni Lim na sinusuportahan ng Grab ang panukala na gawing legal ang motorcycle taxis.

At sa tinatayang 2.5 milyong bagong motorsisklong nakarehistro sa Pilipinas, sinabi pa ni Lim na ang pag-legalize ng motorcycle taxis ay magbibigay ng kabuhayan para sa mga Pilipino at dagdag na kita naman para sa gobyerno.