-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Competition Commission (PCC) na kanilang sisimulan na ang preliminary investigation sa anti-competitive complaints na inihain ng DITO Telecommunicatiy Corp laban sa Smart Communications at Globe Telecoms.
Ayon sa PCC na mayroong sapat na rason ang nasabing complainant kaya kanilang sisimulan na ang imbestigasyon.
Nais nilang tignan kung may nilabag pa ang dalawang telecos sa Section 15 ng Philippine Competition Act (PCA) ukol sa abuse of dominance.
Makikipag-ugnayan rin sila sa National Telecommunications Commission at ibang mga ahensiya ukol sa nasabing reklamo.
Magugunitang inireklamo ng DITO ang interconnection issues sa dalawang telcos kung saan inakusahan nila ang mga ito na abuse of dominance.