Aabot sa limang libong coconut growers sa Caraga Region ang binigyan ng Philippine Coconut Authority ng iba’t-ibang assistance package.
Ang mga benipisyaryong ito ay yuong mga farmers na nasira ang sakahan matapos manalasa ang bagyong Odette noong December 2021.
Sa pahayag ng pamunuan ng Philippine Coconut Authority -13 sinabi nito na ang asistensya ay pagpapatatayo umano ng nurseries para sa pagpaparami ng mga hybrid planting material bilang kapalit ng mga nasirang puno ng niyog.
Kung maaalala, umabot sa mahigit walong libong ektaryang taniman ng niyog ang sinira ng bagyong Odette habang limang libong coconut farmers ang malubhang naapektuhan.
Ayon kay PCA-13 Manager Joel Oclarit, sinabi nito na sa tulong ng provincial government ay nakapag access ito ng aabot sa 160,000 piraso ng dwarf hybrid varieties ng coconut mula sa lungsod ng Zamboanga.
Naipadala na rin sa kanilang probinsya ang aabot sa 40,000 na dwarf hybrid varieties ng niyog.
Paliwanag ni Oclarit, ang malawakang produksyon ng mga seedlings ay makatutulong upang mapalitan ang mga nasirang puno ng niyog at magpapalawak sa taniman nito sa probinsya