Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi maaring dedmahin o magbulag-bulagan ang Pilipinas sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Sinabi ng Pangulong Marcos layon nito na panatilihin ang West Philippine Sea bilang isang lugar na umiiral ang freedom of navigation and trade.
Binigyang-diin naman ng Punong Ehekutibo na kaniya pa rin isusulong ang kapayapaan sa rehiyon subalit kailangang matugunan din ang mga aktuwal na sitwasyon.
Ayon sa Presidente, pagdating sa foreign policy, mahalaga na pag-aralan ang geopolitics, na siyang pinakamahalagang bagay upang mapanatili ang kapayapaan sa West Philippine Sea.
Sa ngayon pinagtatrabahuan na ng Pilipinas para makahanap ng peaceful resolution hinggil sa isyu sa pinag-aagawang teritoryo.
Siniguro ng Pang. Marcos na hindi niya hahayaan na piringan ang mata at magpanggap na walang nangyari.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng mag-courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang ang newly-appointed
Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya.
Ayon sa Chief Executive mahalaga ang ibinigay na tulong at suporta ng Japan sa Pilipinas.