Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang importansiya ng mabilis na pagpo- proseso sa mga permit na inaaplayan para sa mga proyektong may kinalaman sa enerhiya.
Sa talumpati ng Chief Executive sa pagpapagana ng Cebu-Negros-Panay (CNP) 230-kiloVolt Backbone energy project, sinabi nitong dapat na maging mabilis ang proseso sa pag- iisyu Ng permit pati na sa acquisition ng right of way para sa MGA transmission system line project at distribution system.
Binigyang diin ng Pangulo na Hindi dapat na ipagwalang bahala Ang energy security na mas dapat aniyang masiguro habang lumalaki ang populasyon.
Kaya ang pagpo- proseso sa mga permit, Hindi lang dapat mas mapabilis kundi dapat na masmapaikli ayon sa Pangulo.
Kaugnay nitoy inihayag ng Pangulo na nakikipag- tulungan ang DOE sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP para maalis ang mga road blocks at mabilis na mapalakas ang power transmission capabilities ng bansa.