-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pang. Ferdinand Marcos Jr  na wala ng extension sa itinakdang deadline para sa consolidation na nakatakda sa April 30,2024.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isinagawang Bagong Pilipinas Townhall Meeting on Traffic Concerns na ginanap sa San Juan City.

Ayon sa Pangulo wala talagang solusyon sa trapiko kung hindi maglipat patungo sa mass transit.

Bilang tugon dito naglagay ang gobyerno ng subway at tren para wala ng trapik.

Ito kasi ang pinakamabilis na transportasyon para makaiwas sa trapik.

Sinabi ng Presidente na kahit sa malalaking bansa sa mundo kanilang ginagamit ang mass transportation dahil hindi lamang ang mga mahihirap ang sumasakay sa mga tres at subway kundi maging ang mga mayayaman dahil sa mabilis ito at walang susuunging trapik.

Giit ng Presidente ito ang dahilan kung bakit pinupursige ng kaniyang administrasyon na pagandahin ang transport system ng bansa.

Sa ngayon sa walong railway project ang ongoing kung saan mahigit 50 percent na itong nakukumpleto.

Sinabi ng Pang. Marcos na kanilang minamadali ang mga nasabing proyekto dahil napakalaki ang sagabal sa progreso sa traffic.

Sa ngayon nasa 4.9 billion ang cost ng nagco commute dito sa Metro Manila kung hindi gagawa ng hakbang ang gobyerno, posible aakyat ito sa 9 billion kada araw.

Kaya naniniwala ang Pangulo na ang sagot sa problema sa trapik ay ang mass transit system.