-- Advertisements --

Naging tahimik ang paggunita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa nagdaang mahal na araw o semana santa.

Ayon sa Pangulo, nagawa niyang makapagnilay- nilay at inisip na mabuti ang mga dapat pang gawin sa hinaharap.

Kabilang sa ginawa ng pangulo nitong nakaraang kuwaresma ang pagpa- fasting habang naging magandang pagkakataon din aniya ang nakaraang holy week na makahinga siya ng maluwag.

Bahagya aniya siyang nakapagpahinga, nakapagsagawa ng long walks nitong nakaraang bakasyon.

At ngayong balik trabaho na Ang Pangulo, asahang muli Ang kaliwat kanang mga aktibidad nito na nagsimula na ngayong araw ng Lunes na idineklarang holiday ng Malakanyang.

” Very good. Very quiet. I did, as I said, I did my usual routine where I went to retreat and for the Holy Friday, I fasted. It was a good time to take a breath. take a step back, take long wlaks and think very hard about what it is that we have to do,” pahayag ni Pang. Marcos Jr.