-- Advertisements --

Sinabihan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang mga alkalde na huwag maging epal, gawin ang kanilang mga trabaho at magsulong ng mga proyektong magpapaganda sa buhay ng kanilang constituents.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa pagdalo nito sa 2024 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines.

Hinimok ng Presidente ang mga municipal mayors na mamuhunan sa pangmatagalang mga imprasktraktura na pakikinabangan ng kanilang mga kababayan at maging ng mga future generations.

Ayon sa Punong Ehekutibo iba na ang panahon ngayon kaya kailangan rin ng pagbabago sa diskarte ng mga namumuno.

Punto nito na huwag na isipin ng mga ito kung hindi man matapos sa kanilang termino ang mga proyekto at hindi sila kilalanin sa mga proyekto ang mahalaga ay kanila itong sinimulan.

Aniya ang importante ay maganda ang nagawa nila at nakatulong ito para gumanda ang buhay ng kanilang constituents.

Binigyang diin ni PBBM na dapat kumilos ang mga lokal na pamahalaan nang naaayon sa pangangailangan ng mga tao.

Dagdag pa nito na huwag hayaang mawala ang tiwala ng mga taong nagbigay sa kanila ng kapangyarihan upang sila ay maluklok sa pwesto.