-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang pamamahagi ng tulong pinansiyal at titulo para sa mga magsasaka sa Pampanga na bahagi ng Handog ng Pangulo Program

Layunin ng programang ito na pabilisin ang pagbibigay ng lupa sa mga walang sariling lupa at tiyakin ang kanilang karapatan sa pagmamay-ari. 

Bahagi rin nito ang pagtulong sa mga manggagawang bukid sa pamamagitan ng tulong pinansyal.

Ilan sa mga ahensyang katuwang sa aktibidad ay ang Department of Health, Department of Environment and Natural Resources, mga lokal na pamahalaan, at ilang pribadong sektor.

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng tig-₱10,000 sa bawat isa sa 2,970 benepisyaryo na inirekomenda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga. Bukod dito, namigay rin ng 2,970 Family Food Packs bilang dagdag na tulong.

Nasa 520  land title o titulo ng lupa ang ipamahagi sa ilalim ng Handog Titulo Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na sasaklaw sa Land Management Bureau at anim (6) na rehiyon sa bansa. 

Ang mga titulo ay personal na ipagkakaloob ng Pangulo.

Layunin ng aktibidad na ito na isulong ang seguridad sa pagmamay-ari ng lupa sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga kuwalipikadong benepisyaryo sa mga tirahan at sakahang lupa.