Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibabalik sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga serbisyo na kinakailangan sa lalawigan ng Abra.
Sa pagtungo ng Pangulo ngayong araw sa Abra pinangunahan nito ang pamamahagi ng tulong.
Sinabi ng Pangulo na mula sa water supply at suplay ng kuryente ay ikakasa din ng pamahalaan ang rehabilitatation at rebuilding kasunod ng pinsalang nilikha ng nagdaang bagyo.
Inihayag ng Pangulo na sa Dami ng mga posteng nagsibagsakan ay hihingi ang pamahalaan ng tulong sa iBang mga lalawigan na magpadala ng linemen.
Dagdag ng Chief Executive na pati na ang mga nawalan ng bahay ay hahanapan ng gobyerno ng kaukulang tulong habang ang ang mga nasa evacuation centers ay titiyakin nilang patuloy na maaalagaan.
Maganda naman ang koordinasyon sa pagitan ng national at lokal na pamahalan kaya tiwala aniya sya sabi ng Pangulo na sa mabilis na maibabalik ang mga serbisyong kailangan ng mga naapektuhan nating kababayan.