Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang First Family sa paglulunsad ng Family Fare 1+3 promo sa MRT at LRT.
Ang nasabing family promo fair ay tuwing linggo lamang ipatutupad kung saan ito ay itinuturing na family day.
Isa lang sa apat na sasakay sa MRT at LRT sa pamilya o magkaibigan ang magbabayad at ang tatlo ay libre na.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mismong si Pangulong Marcos ang nagsulong nito.
Nilinaw naman ni Secretary Diozon na hindi kasama ang holiday sa nasabing promo.
Ngayong araw June 1,2025 opisyal ng magsisimula ang family fare 1+3 promo.
Sumakay ng MRT si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Marcos at ang mga anak nito na sina Cong. Sandro Marcos, Simon at Vinny.
Inihayag ni Sec. Dizon na layon lamang ng pangulo na makaluwag man lang ang ating mga kababayan sa pamasahe.