-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Sulvec Small Reservoir Irrigation Project (SRIP) sa Pasuquin, Ilocos Norte na inaasahang mapakikinabangan ng 1,000 magsasaka sa lugar.

Ibinida ng Pangulo na ang SRIP ay isang medium-scale irrigation development project na nagkakahalaga ng P940.46 milyon. 

Tinatayang mahigit 700 ektaryang sakahan sa sampung barangay sa Pasuquin ang makikinabang sa nasabing proyekto.

Kasabay nito, pinangunahan din ng Chief Executive ang ceremonial opening ng gate ng dam na dadaloy sa Siraong Diversion Dam na magre-regulate ng bugso ng tubig sa irrigation canals hanggang sa mga sakahan.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, plano ng National Irrigation Administration (NIA) na i-develop ang Sulvec SRIP para magkaroon ng isang hydropower plant at ilang pasilidad para sa recreation at turismo.

Bukod dito, namahagi rin si Marcos ng ayuda sa mga residente ng Apayao at Lingayen, Pangasinan.