Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang nanguna sa paggawad ng unang bituin sa balikat ng kanyang Presidential Security Group Commander o PSG.
Ito ay sa katauhan ni ngayo’y Brig Gen Ramon Zagala na kabilang sa 21 senior officers ng AFP na nai-promote sa next higher rank.
Bukod sa naging tagapag-salita ng AFP bago hiranging maging PSG Commander ay nagsilbi din si Zagala bilang aide- de- Camp ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Si Zagala ay isang certified VIP protector at maituturing na hindi nab ago pa sa Presidential Security Group.
Napag-alamang humawak ito ng ibat-ibang posisyon sa PSG nuong kanyang junior years gaya Executive Officer mula 1997 hanggang 2000 ng dating 1st Light Armor Company na ngayon ay 5th Cavalry Company na.
Ilan naman sa mga 21 senior AFP officials na nakasabay ni Zagala na mai-promote sa next higher rank ay sina Brig. Gen. Antonio Z. Francisco Jr. Acting Commander, Air Base Development Command, Brig. Gen. Onie D. Petinglay, Wing Commander ng Air Defense Command at Philippine Air Force chief Lt. Gen. Stephen Parreño na nakuha ang kanyang 3 star rank na iginawad naman ni AFP chief Gen. Andres Centino sa isang seremonya sa Kampo Aguinaldo.