-- Advertisements --

Patuloy ang paghikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga insurgent o rebelde sa Mindanao na sumuko.

Ito ay kasabay ng pangako ng pamahalaan na patuloy na suporta sa mga susukong rebelde kabilang ang pagbibigay ng tulong, kabuhayan, at housing.

Ginawa ng Pangulo ang pagtitiyak na ito matapos saksihan ang decommissioning ng 400 isinukong mga baril sa Sumisip, Basilan.

Matatandaan, nag-isyu si PBBM ng executive order at ilang mga proclamations na nag-gagarantiya ng amnestiya para sa mga rebelde at insurgents para mahikayat silang magbalik loob sa gobyerno bilang parte ng comprehensive peace initiatives ng kaniyang administrasyon.