Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang full cabinet meeting ngayong araw.
Alas-2:00 mamayang hapon ang schedule na pulong ng mga miyembro ng gabinete.
Wala namang nabanggit sa kung ano ang posibleng agenda ng full cabinet meeting subalit hindi naman inaalis na mapag – usapan ang patuloy na pagtutok ng ibat- ibang ahensiya ng pamahalaan sa El Nino phenomenon.
At maging ang isyu sa West Philippine Sea.
Karaniwang ginagawa ang lingguhang pulong sa Malakanyang na pinangungunahan din ng Pangulo sa pamamagitan ng sectoral meeting.
Ito ay ginagawa ng araw ng Martes na kung saan ay ilang piling ahensiya lamang ang ipinatatawag ng Pangulo sa Malakanyang para maglahad ng kanilang accomplishments sa kanilang tanggapan habang dito rin ibinibigay ang specific directives.