-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naka confine ngayon ang kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos dahil may sintomas ng pneumonia.

Sa isang pahayag sinabi ng Punong Ehekutibo na nakausap niya ang mga doktor ng kaniyang ina hinggil sa kondisyon ng kalusugan ng dating first lady at sinabing may slight pneumonia.

Ayon kay Pang. Marcos binigyan ng anti-biotics ang kaniyang ina upang mawala na ang lagnat nito.

Dagdag pa ng Pangulo na in good spirits ang kaniyang ina at hindi naman ito nahihirapang huminga.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang sambayanang Pilipino sa kanilang malasakit sa dating unang ginang at sa panalangin para sa agarang paggaling nito.