-- Advertisements --

DAR2

Nakatakdang lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) na magpapatupad ng moratorium sa mga loan payment ng mga agrarian reform beneficiaries.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrad Estrella III sa isinagawang budget deliberation sa kamara nuong Biyernes.

Ayon kay Estrella ang EO ay pipirmahan ng pangulo sa kanyang birthday sa September 13.

Sinabi ni Estrella may tiwala siya kay Pangulong Marcos dahil malaking tulong ito sa mga beneficiaries kung saan ang pambayad dapat ng utang ay maari nilang magamit na karagdagang capital.

Nanawagan naman ang DAR chief sa mga kongresista na ipasa na ang panukalang condonation ng land amortization fees ng mga agrarian reform beneficiaries.

Aniya, nakausap na niya ang ilang miyembro ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso at naniniwala siyang susuportahan nila ang nasabing panukalang batas.