-- Advertisements --

Nais ni President Ferdinand Marcos Jr na samantalahin ng bansa ang ugnayan sa Taiwan.

Layon nito ay upang mapabuti ang local agriculture technology.

Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman and Resident Representative Silvestre Bello na ito ang pinaka-simple na direktiba sa kaniya ng pangulo ng bansa.

Ibinigay ni Marcos ang direktiba sa pamamagitan ni Executive Secretary Victor Rodriguez.

Nauna nang sinabi ni Marcos na pamumunuan niya ang departamento ng agrikultura “upang linawin sa lahat kung ano ang mataas na prayoridad natin sa sektor ng agrikultura.”

Sinabi ni Bello na pinag-aaralan pa niya kung paano mapapahusay pa ng Maynila at Taipei ang relasyon, bukod sa posibleng pagtutulungan sa sektor ng agrikultura.

Si Bello ay nagsilbi bilang labor secretary sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Top