-- Advertisements --
image 96

Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi gagamitin para sa offensive actions ang apat na dagdag Enhanced Defense Cooperation Agreement sites sa Pilipinas.

Ito ang ipinahayag ng pangulong kasunod ng naging reaksyon ng China sa pinakabagong mga EDCA sites sa bansa kung saan sinabi nito na posible itong magdulot tensyon sa rehiyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na raw kataka-taka pa ang naging reaksyon na ito ng China kasabay ng pagbibigay-diin na hindi siya papayag na gamitin ang panibagong mga base na ito sa kahit anong offensive action ng Estados Unidos dahil ito aniya para sa lamang sa humanitarian aid at iba pa.

Aniya, ang naturang mga dagdag na EDCA sites ay pawang mga “existing bases” na dahil sa una pa lamang ay mayroon na aniyang mga kampo ang nakatatag doon.

Kung maalala, una nang inanunsyo ng pangulo na itatatag ang mga bagong EDCA sites sa Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; and Balabac Island sa Palawan.

Habang nakatatag naman sa Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, and Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City ang unang limang EDCA sites ang nasa bansa.

Sa pamamagitan ng EDCA ay mabibigyan ng mas maluwag na access ang mga tropa ng Ameria sa mga Philippine military facilities na pahihintulutan din silang bumuo rin ng sariling pasilidad, at mag pre-position ng kanilang mga kagamitan, aircraft, at vessels ngunit pagbabawalan nito ang permanenteng pagbabase sa bansa.