Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ang mga atleta at artist na nagbigay karangalan sa bansa sa iba’t ibang kompetisiyong internasyonal sa nakalipas na apat na buwan.
Isa sa mga Filipino artist na pinarangalan ay si Jex de Castro na nakamit ang kampeonato sa Stars of the Albion Grand Prix 2023 sa Euro Talent Festival 2023 na ginanap sa London, United Kingdom.
Personal na binigyan ni PBBM ng parangal at pagpupugay ang mga bagong kampeon na Pinoy boxers na sina Melvin O. Jerusalem, Charly C. Suarez, and Marlon T. Tapales at ang Makati Football Club na nanalo naman sa Junior Soccer School and League sa Singapore nitong buwan.
Kinilala rin ng Pangulo ang tagumpay ng Philippines Men’s Ice Hockey team na nagwagi sa World Championships Division IV sa Ulaanbaatar, Mongolia na aangat sa Division III-B ng championship round.
Bitbit ng mga atleta ang naglalakihan nilang mga trophy at championship belts na ipinagmalaki at ipinakita sa pangulo.
Namigay din ng jersey sa pangulo ang mga atleta habang ang iba sa mga ito ay nagpa authograph pa sa kaniya.
Hindi nawala sa program ang group pictures ng mga atleta kasama ang pangulo.