Kinilala ni Pang Ferdinand Marcos Jr ang naging kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers sa pag unlad ng bansa na tinaguriang mga modern-heroes.
Ang pahayag ng Pangulo ay ginawa sa pagdalo nito sa OFW Family Day 2023.
Tinatayang nasa mahigit 1,000 OFWs ang nakiisa sa Family Day.
Ayon sa Chief Executive malaki ang kontribusyon ng mga OFW hindi lang sa remitance kundi sa kanilang mga nakuhang kasanayan at kaalaman mula sa pagta trabaho sa ibang bansa na malaking ambag para sa development ng Pilipinas.
Siniguro ng Pangulo sa mga OFW na palaging naka alalay ang gobyerno sa mga ito partikular sa kanilang mga pangangailangan.
Pagtiyak naman ng Presidente na marami pang mga proyekto ang nakalinya para sa mga OFW.
Siniguro din ni Pang. Marcos na pagsisikapan nang kanyang administrasyon na magkaroon nang mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino dito sa Pilipinas.
Ayon sa Presidente, nais nyang darating ang panahon na hindi mapipilitang umalis ng bansa ang isang Pilipino para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
Hinikayat naman ng Chief excutive sa mga Pilipino na tulungan ang pamahalaan sa pagpanday nang isang matatag at puno ng oportunidad na Pilipinas.
Pinasalamatan ng pangulo ang mga OFW sa ipinakikitang sipag at katatagan sa pagta trabaho na maipagmamalaki sa buong mundo.
Siniguro ng presidente na committed ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga OFW.