-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng mga lider ng House of Representatives si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa panawagan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na magbitiw ito.

Ayon kay Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez walang basehan at maituturing na kawalang respeto ang panawagan ni Duterte na mistulang sinasabi na tamad at walang malasakit ang Pangulo sa bansa.

Sinabi ni Suarez na sa nagdaang dalawang taon ay nakita ng mga Pilipino ang sipag ni Pang. Marcos upang mapabuti ang kalagayan ng bansa matapos ang coronavirus pandemic.

Ayon naman kay Rizal 1st District Rep. Michael John Duavit bagamat inirerespeto nito ang opinyon ni Duterte ay hindi siya sang-ayon dito.

Sinabi naman ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. na hindi totoo ang mga sinabi ni Duterte.

Muli ring inulit ni Suarez ang pagsuporta ng Kamara kay Pang. Marcos.

Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pagsuporta kay Pang. Marcos sa sesyon nitong Lunes.