Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pag activate sa isang online platform para imonitor ang El Nino, La Nina phenomena.
Ito ang El Nino Oscillation Online Platform na isang centralized “repository of data” ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.
Ginawa ng Pangulo ang direktiba sa isinagawang sectoral meeting sa Malakanyang kaninang umaga.
Sa kabilang dako, maaari na rin na makapagbigay ng impormasyon ang mga kababayan natin sa ground lalo na sa panahon ng kalamidad sa bagong binuong website ng Department of Science and Technology (DOST) at PAGASA.
Sa pamamagitan ng QR code sa website maaari iparating ng ating mga kababayan ang ilang mahahalagang impormasyon.
Magkakaroon din ng ibang dashboard kung saan exclusive ito para sa mga local governments ng sa gayon magkaroon sila ng detalyadong pag-uulat na kailangang mabatid ng iba pang ahensiya ng gobyerno partikular ang Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum makikita sa mababasa sa El Nino Southern Oscillation Platform ang inputs ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan na tumutugon sa pagkain, tubig, health, public safety at energy.
Sinabi ni Solidum ito ay platform para makita ng publiko ang mga ginagawa ng ibat ibang sektor ng pamahalaan.
Maari din na makakakuha ng tips ang ating mga kababayan para paghandaan ang El Nino at La Nina phenomenon.