-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang partial na pagbubukas ng  San Juanico Bridge sa 15 toneladang mga trucks.

Inihayag ng Pangulo na naging mas mabilis kaysa inaasahan ang pagsasa-ayos sa tulay dahilan binuksan na ito.

Sinabi ng Pangulo na malaking ginhawa para sa cargo transport na dating napipilitang gumamit ng Ro-Ro at umikot sa iba’t ibang pantalan dahil sa limitasyon sa bigat.

Iminungkahi rin ng lokal na pamahalaan ng Tacloban na ipatupad ang one-way traffic tuwing gabi upang makatawid ang mas mabibigat na truck na hanggang 30 tons, dahil mas maluwag ang daloy ng sasakyan sa oras na iyon.

Ayon kay Pangulong Marcos ang ₱1.1 bilyong retrofit ay resulta ng pagkukulang sa regular na maintenance sa nagdaang mga taon. 

Giit ng Pangulo, ang pagsasa ayos sa tulay ay nagdulot ng malaking abala sa ekonomiya ng Samar at Leyte, pati na sa suplay ng pagkain at kalakal sa rehiyon.

Tiniyak ng DPWH na ang tulay ay ganap na maibabalik sa 33-ton two-way capacity pagsapit ng third quarter ng 2026, kung target matapos ang kabuuang pagsasaayos.