-- Advertisements --
EDUARDO ANO CARLITO GALVEZ JR

Idinepensa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang muling pagtalaga sa puwesto kina National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año, sa bago nitong posisyon sa pamahalaan.

Ayon sa Pangulong Marcos, malaki ang papel na gagampanan ng karanasan sa serbisyo ng dating mga opisyal ng pamahalaan.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tangunin kung bakit ang dating Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary ang itinalaga bilang bagong kalihim ng NSA.

Ayon sa Pangulo, bago naging Chief of Staff (COS) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kalihim, dati na rin itong naging group commander, at nagserbisyo na rin sa Intellligence Service ng AFP (ISAFP).

Ibig sabihin, sanay na sanay na ang kalihim sa linyang ito at marami na itong kakilalang kooperatiba sa intel community.

Samantala, sinabi ng Pangulo na ang pagkakaroon ng malawak na karanasan rin ang dahilan, kung bakit niya itinalaga sa pwesto si Secretary Carlito Galvez Jr. bilang bagong kalihim ng Department of National Defense (DND).

Kaugnay nito, kaya naman aniya umalis si dating NSA Secretary Clarita Carlo sa pwesto ay dahil, ikinu-konsidera nitong politikal ang kaniyang posisyon.

Hindi aniya sanay sa ganitong larangan ang dating kalihim, lalo’t isa itong academic, dahilan kung bakit mas pinili nitong ibahagi ang kaniyang kaalaman sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng House of Representatives.