Hinimok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mahigpit na sumunod sa mga internasyonal na pamantayan sa paghirang ng mga bagong matataas na opisyal ng Commission on Human Rights (CHR).
Sa isang pahayag, sinabi ng Asia Pacific Forum of National Human Rights Institutions (APF-NHRI) na ang mga appointment ay dapat sumunod sa mga minimum na pamantayan sa ilalim ng Paris Principles.
Ang Paris Principles, na siyang napagkasunduang universal standards for national human rights institutions na inendorso ng United Nations General Assembly, ay nagtatakda ng mga minimum requirements para sa proseso ng pagpili at paghirang ng pamumuno ng kagawaran.
Ang APF-NHRI, kung saan ang CHR ay matagal nang miyembro, ay nagsabi na ang paggawa nito ay nagpapahiwatig ng pangako ng gobyerno ng Pilipinas sa institusyonal na proteksyon at pagtataguyod ng karapatang pantao para sa lahat ng Pilipino.
Ang CHR ay kinikilala ng “A-status” ng Global Alliance of National Human Rights Institutions (GANHRI), at ang susunod na pagsusuri nito ay sa 2023.
Kung maalala, ang CHR ng Pilipinas ay nilikha sa ilalim ng 1987 Constitution at itinatag noong Mayo 5, 1987 sa bisa ng Executive Order No. 163.
Inutusan ang Komisyon na magsagawa ng mga pagsisiyasat sa mga paglabag sa karapatang pantao laban sa mga marginalized at mahina na sektor ng lipunan, na kinasasangkutan ng mga karapatang sibil at pampulitika.
Ang Fifth Commission ng CHR, na tumakbo mula Mayo 5, 2015 hanggang Mayo 5, 2022, ay binubuo nina Chairperson Leah C. Tanodra-Armamento at Commissioners Karen S. Gomez-Dumpit, Gwendolyn LL. Pimentel-Gana, at Roberto Eugenio T. Cadiz.
Itinalaga si Armamento noong Pebrero 16 para sa hindi pa natatapos na termino ni late Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon na pumanaw noong Okt. 9, 2021.