
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na makiisa sa global action laban sa climate change kasabay ng pagdiriwang ng International Mother Earth Day.
Siniguro ng Pangulo na nananantiling buo ang suporta ng kaniyang administrasyon sa mga programa at polisiya para sa kalikasan.
Samantala ayon naman sa Climate Change Commission, sinabi nitong sa pamamagitan ng pag-iinvest sa ating planeta, makakalikha ng konkretong mga hakbang para maibsan ang epekto ng climate change.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng sustainable practices, pagbabawas ng carbon footprint at pagsusulong ng conservation efforts.
Matatandaan na in-establish ng UN General Assembly ang International Mother Earth Day sa ilalim ng isang resolution para matiyak ang conservation, preservation at protection ng kalikasan.










