-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga negosyanteng Hapones na mamuhunan pa sa bansa.

Sa kanyang pakikipagpulong sa Japan Chamber of Commerce and Industry (JCCI) na pinangunahan ni Ken Kobayashi, isinulong ni PBBM ang economic collaboration sa mga Japanese investors.

Humingi rin ng suporta ang Presidente sa JCCI lalo pa’t gumaganda aniya ang ekonomiya ng Pilipinas ilalim ng kanyang administrasyon.

Bukod dito, ibinida rin ni Pangulong Marcos ang mga hakbang ng gobyerno tulad ng pinahuhusay na ease of doing business sa bansa na nakatuon sa iba’t ibang reporma upang makaakit pa ng mga pamumuhunan o investments.

Maaalalang bumisita ang JCCI sa Malacañang noong nakaraang taon kung saan partikular na tinukoy ng business group ang plano nilang kooperasyon sa iba’t ibang larangan gaya ng digital infrastructure, green economy, at human capital.