Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Filipino faithful na kumuha ng inspirasyon sa salaysay ng Immaculate Conception upang pagtagumpayin ang mga limitasyon at kumuha ng lakas at patibayin pa ang kristiyanong pananampalataya sa pamamagitan ng pamamahagi ng blessings sa mga mahihirap nating mga kababayan lalo na ang mga nasa marginalized sector.
Lalo na ngayon sa mapaghamong panahon na kinakaharap ng bansa.
Hiniling din ni Pangulong Marcos sa bansa na taimtim na manalangin para sa patuloy na paggabay ng Poong Maykapal at sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.
Aniya dapat magkaisa at magkapit kamay ang lahat ng Filipino sa pagbuo ng Bagong Pilipinas na inaasam ng bawat isa.
Ang kapistahan ng Immaculate Conception ay isang pagdiriwang ng Katolikong komunidad ang paglilihi ni Maria nang walang kasalanan.
Kahit na ang araw ng kapistahan ay nangyayari sa liturgical season ng Adbiyento, na naghahanda para sa pagsilang ng Ating Panginoong Hesukristo, ang Immaculate Conception ay tumutukoy sa paglilihi kay Maria sa sinapupunan ng kanyang ina, na si St. Anne.
Ang pagdiriwang ng kapistahan ay nagsimula sa isang Papal encyclical ni Pope Pius IX nang pormal niyang tinukoy ang dogma ng Immaculate Conception, Ineffabilis Deus, noong Disyembre 8, 1854.