Inaasahang haharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australian Parliament sa susunod linggo.
Ito ay sa kasagsagan ng kaniyang pagbisita sa Australia sa darating na Pebrero 28 at 29, 2024.
Ayon sa Presidential Communications Office, dito ay inaasahang tatalakayin ng pangulo ang kaniyang bisyon para sa pagtatag ng Strategic Partnership sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ang naturang partnership sa pagitan ng dalawang bansa ay mas pinaigting pa ng bilateral relations mula sa isang Comprehensive Partnership noong taong 2015, na nilagdaan noong Setyembre ng nakalipas na taon sa kasagsagan ng pagbisita ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa ating bansa.
Bukod dito ay nakatakda ring makipagkita si Pangulong Marcos Jr. sa mga senior officials ng Australia para naman talakayin ang mga usaping may kinalaman sa defense and security, trade, investments, people-to-people exchanges, multilateral cooperation, at regional issues.
Samantala, sa kasagsagan din ng biyaheng ito ng pangulo ay inaasahan na malalagdaan ang mga bagong kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa mga common interest nito para sa mas pagpapalakas pa ng kooperasyon Pilipinas at Australia na layong mapalawak pa ang engagement ng mga ito para sa mutual capacity-building.