Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importansiya ng return-service agreement para sa mga manggagawa na benepisyaryo ng mga libreng training at scholarship ng gobyerno.
Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office, sinusuportahan umano ni Pangulong Marcos Jr. ang pagkakaroon ng iba’t ibang programa gaya ng libreng training para sa mga manggagawa sa sektor ng kalusugan at information technology kapalit ng pagtatrabaho nila sa bansa ng dalawa hanggang tatlong taon bago ito magdesisyong tumungo sa ibang bansa para doon magtrabaho.
Ito ay para umano masolusyunan ang human capital flight o brain drain sa sektor ng kalusugan at IT dahil maraming mga magagaling na Pilipino raw ang umaalis ng Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa.