BOMBO DAGUPAN – Nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting ngayong araw sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Australian prime minister Anthony Albanese at mga opisyal doon sa Australia sa ikalawang araw nito doon.
Ayon kay Denmark Suede, Bombo International News Correspondent sa Australia, kasunod ng meeting ay nakatakdang umuwi mamayang gabi ang punong ehekutibo pero magbabalik siya makaraan ang apat na araw sa Melbourne, Australia.
Sinabi ni Suede na babalik sa Australia ang pangulo dahil sa imbitasyon ni Albanese na dumalo sa 2024 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Australia Special Summit na gaganapin sa March 4-6.
Samantala, binigyang ng standing ovation si pangulong Marcos sa kanyang pagsasalita sa joint session sa Australian parliament kung saan naging mainit ang pagtanggap sa kanya.
Ginagawa umano ang joint session sa parliamento kapag may iniimbitahan na world leder na magsalita sa kanilang harapan.
Nagkaroon lamang ng maliit na protesta pero hindi lang ito unang nangyari kundi nangyari din noong nagsalita si dating US president George Bush sa parliament pero mas matindi pa ang nangyari dahl siya ay sinigawan.