-- Advertisements --

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na ang kaniyang biyahe patungong Vietnam ay para palakasin ang maritime cooperation at ugnayan sa trade and investment deals.

Nakatakda din makipagpulong ang Presidente sa Filipino community duon.

Ayon sa Chief executive na ang maritime cooperation ay isa sa cornerstone sa Strategic partnership na ipapanday ng Pilipinas at Vietnam.

Inihayag ng Pangulo na mayruong 39 signed agreements sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam ito ay sa trade and investments, customs, air services, agriculture, visa waivers for diplomatic and official passport holders, visa facilitation, tourism at iba pa.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kaniyang nakatakdang pulong sa business sector upang mapalakas pa ang trade and investments sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagtungo sa Vietnam ang Pangulo batay sa imbitasyon ni Pangulong Vo Van Thuong.

Makikipag pulong din si Pang. Marcos kay Pang. Vo Van Thuong at Prime Minister Pham Minh Chinh at Chairman ng National Assembly Vuong Dinh Hue.

Ang Vietnam ay tahanan din ng 7,000 overseas Filipino workers (OFWs) kung saan ang kanilang remittances ay umaabot sa $13,683,000.