-- Advertisements --
image 318

Patuloy na nakakatanggap ng mataas na approval at trust ratings sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte base sa latest RP-Mission and Development Foundation Inc. public opinion poll.

Sa naturang survey, nakakuha si Pangulong Marcos ng impressive approval na 82% habang si VP Sara naman ay nakakuha ng rating na 86%.

Nagpakita rin aniya ng pambihirang performance sa trust rating ang dalawang mataas na lider ng bansa na isang mahalagang pundasyon ng leadership.

Sa nakalipas na taon, nakakuha si PBBM ng mataas na confidence rating na 86% habang si VP Sara naman ay nakatanggap ng 90% trust rating.

Nagpapakita aniya ito ng malalim na tiwala na naiukit ng dalawang opisyal sa kanilang mga constituents.