-- Advertisements --

Nagpulong sina Pang. Ferdinand Marcos Jr at US Vice President Kamala Harris ngayong araw Huwebes, November 15,2023.

Tinalakay nina Pangulong Marcos Jr. at United States Vice President Harris ang economic at defense cooperation ng Manila at Washington.

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na natuloy ang pulong nina Marcos at Harris.

Nasa San Francisco, California si Marcos upang dumalo sa 2023 APEC Economic World Leaders Summit
Sa nasabing pulong muling pinagtibay nina Marcos at Harris ang matatag na alyansa sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Muling binigyan diin nina Harris at Marcos ang kapwa pangako nito na panatilihin ang internal rules and norms kabilang na ang isyu sa West Philippine Sea.
Ito na ang ika limang pulong nina Pang. Marcos at US VP Harris.
Tinanggap din ng Bise Presidente at Pangulong Marcos ang pagtatapos ng isang makasaysayang “123” civil nuclear cooperation agreement, na magpapalalim sa ating partnership para bumuo ng pandaigdigang malinis na ekonomiya ng enerhiya at palakasin ang ating pinagsamang pangako sa pagpapabuti ng seguridad sa enerhiya at pagsusulong ng pandaigdigang nonproliferation regime.
Makakatulong ang partnership na ito na lumikha ng isang mas matatag secure, at napapanatiling global semiconductor value chain.