-- Advertisements --

Nakatakdang tapusin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang limang araw na COVID-19 isolation ngayong araw Disyembre 10, kung saan mabilis ang paggaling ng chief executive.

Kasalukuyang naka-isolate sa bahay ang Pangulo mula noong nakaraang linggo matapos itong magpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon.

Batay sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) lahat ng medical findings ay unremarkable at ang final diagnosis sa kaniya ay “recovered.”

Inirekumenda naman sa Pangulo ng kaniyang doktor na magsuot ng face mask sa loob ng 10 araw sa mga pampublikong pakikipag-ugnayan bilang pag-iingat.

Itinigil ni Marcos Jr. ang ilang kaganapan noong nakaraang linggo matapos siyang payuhan ng mga doktor na manatili sa bahay habang nagpapagaling mula sa virus.

Ang bagong impeksyon ng Pangulo ay dumating ilang linggo matapos himukin ng Department of Health ang publiko na simulan muli ang pagsusuot ng face mask habang tumataas ang mga kaso ng trangkaso at “walking pneumonia” sa Pilipinas.

” President Ferdinand R. Marcos Jr is progressing well in his recovery. Today, on the fifth day of home isolation, the President is now free from cough, nasal congestion, and fever for more than 24 hours. All other medical findings were unremarkable. Consequently, the President’s final diagnosis is Covid-19, Recovered. Throughout the entire home isolation period, the President was closely monitored by medical professionals,”pahayag ng PCO.