
Ipinagpaliban ang mga laro ng PBA Commissioner’s Cup ngayong araw ng Linggo, Setyembre 25 dahil sa Super Typhoon Karding.
Ito ang inihgayag ng Philippine Basketball Association (PBA).
Orihinal na nakatakda ngayong araw sa Mall of Asia Arena ang mga laro sa pagitan ng Meralco at NLEX, at Converge at ang Barangay Ginebra.
Ayon sa pamunuan ng PBA, ire-reschedule ang mga laro sa ibang araw.
Ipinagpaliban din ang Leg 3 ng PBA 3×3 Season 2, na nakatakda sa Setyembre 26-27 sa Robinsons Antipolo.
“The PBA Commissioner’s Cup games today – Sunday (September 25) at the MOA Arena and the PBA 3×3 season 2 – Leg 3 day 1 and 2 hostilities at Robinsons Antipolo (September 26 and 27) will be postponed due to Super Typhoon Karding.
Meralco vs. NLEX and Converge vs. Ginebra as well as PBA 3×3 games will be rescheduled to a later date. Mag-ingat po tayong lahat!,” pahayag ng pamunuan ng PBA.










