-- Advertisements --

Nagsimula na ang PBA sa kanilang pagbabalik ensayo.

Kasunod ito ng halos anim na buwan na pagtigil ng liga dahi lsa coronavirus pandemic.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kada araw ay may mga koponan na nagsasagawa ng pagsasanay.

Tiniyak naman nito na mahigpit na sinusunod ng PBA ang mga ipinapatupad na health protocols kung saan mayroon din silang itinalagang mga marcials na nagbabantay sa bawat galaw ng mga manlalaro.