-- Advertisements --
Mariing pinabulaanan ni San Jose del Monte City, Bulacan ABC President Zosimo Lorenzo na magulo ang proseso ng payout para sa mga benepisyaryo ng cash assistance na ibinibigay ng national government.
May nagpapakalat lamang aniya ng mga fake news para siraan ang pamahalaang lokal ng San Jose del Monte sa pangunguna ni Mayor Arthur Robes.
Sinabi ni Lorenzo na may nagpapakalat na sabay-sabay na bibigyan ang lahat ng mga tao na nasa listahan, tulad na lamang ng nangyari sa Barangay Muzon at Barangay Kaypian.
Pero iginiit ng opisyal na may nakalatag na schedule sa pamamahagi ng cash assistance upang sa gayon ay maiwasan ang pagdasa ng maraming mga benepisyaryo.










