Patuloy na umaani ng pagpuna ang mungkahi ng tinaguriang “bad boy sa pelikulang Filipino” na si Robin Padilla na mag-Muslim na lang si Aljur Abrenica, matapos magkaroon ng isyu ng third party ang hiwalayan nito at ng anak ni Robin na si Kylie Padilla.
Sa isang pahayag kasi, sinabi ni Binoe na wala siyang maibibigay na payo sa “marriage issues” dahil siya man ay failure sa dating mga karelasyon, kasama na ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.
Para kay “Bad Boy” dapat sigurong mag-Muslim na lang si Aljur, dahil pinapayagan naman doon ang higit sa isang asawa, basta masunod ang mga panuntunang itinuturo sa kanila.
Agad itong naging trending topic nitong, kung saan marami ang pumuna sa nasabing statement.
Giit ng netizens, hindi sagot ang pagbabago ng relihiyon para sa isyu ng “extra marital affair.”