-- Advertisements --

NAGA CITY – Patuloy pa ring pinaghahanap ng otoridad ang mga suspek na nanloob sa isang pawnshop sa Naga City, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Kagawad Mike Parro Brgy. Sta. Cruz, na nananatili pa ring at large ang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Ayon kay Parro, CCTV camera, alarm at guwardiya ang pawnshop kung kaya hamon sa kanilang hanay na maghanap ng lead sa kaso.

Pero naniniwala umano mga opisyal na planado ang nangyaring nakawan dahil sa ginawa nitong hukay sa ilalim ng drainage na ginawang daanan para makapasok sa pawnshop.

Ayon dito, tinitingnan naman ang CCTV footages sa mga katabi nitong lugar upang malaman kung meron mang kahina-hinalang mga dumaan nang panahong mangyari ang krimen.

Samantala, ayon kay Parro na laging mag-ingat ngayon na holiday season lalo na’t marami ang pwedeng manamantala dahil sa kabusyhan sa mga preparasyon ngayong Pasko.