-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Umaabot na sa 194 COVID-19 patients ang ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center na puno na ang mga COVID-19 rooms nila dahil sa biglaang pagtaas ng COVID-19 patients.

Noong nakaraang dalawang linggo ay nagdagdag din sila ng ICU beds para sa mga may severe condition na COVID-19 patients.

Sinabi ni Dr. Baggao na ang sitwasyon nila sa CVMC ay ngayon lamang nila naranasan na ang mga waiting patients ay nasa kanilang sasakyan bukod pa sa mga nasa kanilang tents.

Mayroon ding 32 isolation rooms na ginawa ng DPWH sa compound ng CVMC at mayroong mga nag-aasikaso sa mga pasyente.

Ang mga nasa waiting areas at mga sasakyan ay inaaasikaso din ng mga doktor at nurses..

Dumadagsa rin ang mga referrels sa Isabela at Cagayan maging sa mga lalawigan ng Apayao at Kalinga sa rehiyon ng Cordillera.

Bagamat dumarami na ang kanilang mga COVID-19 patients at patuloy naman ang pagtanggap nila sa mga non covid patients

Tinukoy na rin nila ang dalawang hotel na magiging step down facility kung saan ilalagay ang mga gumagaling ng mga pasyente at doon din nila tatapusin ang kanilang quarantine days.

Patuloy din ang kanilang pagkuha ng mga karagdagang ventilator, supplies ng oxygen, gamot kabilang na ang pag-hire ng mga nurses, medtech, pharmacied, Radtech, Respiratory therapist at nursing assistant upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.