-- Advertisements --

Pumalo na sa 19 katao ang nasawi matapos na masunog ang isang casino complex sa Cambodia.

Aabot rin sa 70 katao ang sugatan sa pagsiklab ng apoy sa Grand Diamond City Hotel and Casino sa Poipet city.

Ang nasabing lungsod ay boundary nila ng bansang Thailand.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga masasawi dahil marami pa ang na-trap sa lugar.

Ayon sa mga otoridad na marami sa mga nasawi ang tumalon sa bintana para mailigtas sa mga nasusunog na gusali.
Gumamit na ng mga helicopters ang mga otoridad.