-- Advertisements --

Umakyat na sa 14 ang bilang ng nasawi matapos ang missile strike ng Russia sa lungsod ng Zaporizhzhia, Ukraine.

Ayon kay Anatolii Kurtiev, ang Zaporizhzhia city council secretary, na patuloy ang ginagawang paghuhukay ng mga rescuers sa mga gumuhong gusali.

Posible rin aniyang madagdagan ang bilang ng nasawi dahil sa hindi pa tuluyang natatanggal ang mga debris.

Magugunitang aabot sa pitong mga missiles mula Russia ang tumama sa lugar.

Ang malaking bahagi ng lungsod ay sinakop na ng Russia.