-- Advertisements --

Umakyat na sa 30 ang nasawi sa missile strike ng Russia sa Dnipro, Kyiv, Ukraine.

Aabot rin sa 73 katao ang nasugatan kung saan 30 sa kanila ang nananatili sa pagamutan.

Ayon kay Valentyn Reznichenko, ang namumuno sa Dnipropetrovsk regional military administration na mayroong 39 residente ng apartment building ang kanilang na-rescue mula sa gumuhong gusali.

Nagtulong-tulong na ang nasa 550 rescuers na binubuo ng mga kapulisan, doctors at volunteers.