-- Advertisements --

Umakyat na sa 10 katao ang nasawi sa magnitude 7 na lindol sa Abra.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakita na ng mga rescuers ang apat na unagn naiulat na nawawala dahil sa landslide sa Luba, Abra.

Kinilala ang mga ito na sina Marcos Barreyro, 38, Louis Balais Dining, 21; Jack Balais Gamengan, 17 at Angelo Badi, 15.

Nakita ang nasabing mga bangkay sa landslide area sa Kayaddakad Road, Sitio Bangel, Barangay Poblacion sa bayang Luba.

Naunang mayroong anim na patay ang naitala sa Abra matapos na tumama ang magnitude 7 na lindol at idineklarang state of calamity ang nasabing probinsiya.